AFCS + AI passenger counting para sa transport cooperatives

Kita ang bawat pasahero.
Kita ang bawat piso.

Isang sistema ng koleksyon ng pamasahe, pagbibilang ng pasahero, at anti-pilferage para sa mga kooperatiba ng bus at modernong jeep sa Pilipinas — mula sa unang pasahero hanggang sa financial statement.

Magpa-demo Paano ito gumagana

Isang trip, habang nangyayari

Halimbawang datos.

Halimbawa ng pagtutugma sa dashboard: 42 ang nabilang ng kamera sa pinto, 40 lang ang tiket na naibenta, at ₱1,075.00 ang cash. Dalawang pasahero ang hindi na-tiket, at agad itong lumilitaw bilang diskrepansya.

Ang problema

Hindi naman kulang ang pasahero. Kulang ang pumapasok.

Kupit sa pamasahe

Nakasakay ang pasahero, walang tiket. Walang papel na magpapatunay, kaya walang masisisi — at ang kaibahan ay hindi napupunta sa koop.

Bulag na dispatsyer

Nasaan ang unit? Ilang biyahe na? Hanggang sa remit sa hapon, hula lang ang sagot — at huli na para may magawa pa.

Mano-manong libro

Papel at Excel ang dinadaanan ng pera bago umabot sa libro. Kapag may kulang, tapos na ang linggo bago pa ito mapansin.

Paano gumagana

Tatlong hakbang, isang katotohanan

Konduktor na naka-hi-vis vest, may hawak na telepono sa tabi ng bus sa terminal

Hakbang 01

Tiket sa telepono ng konduktor

Offline-first ang app: kahit walang signal, tuloy ang tiket at sumasabay ang sync kapag may linya. Cash o QR, at ang presyo ay galing mismo sa fare matrix ng koop — exact hanggang sentimo, walang taas-presyo o mali ng mental math.

SAKAY / BABA SA PINTO

Hakbang 02

Binibilang ng kamera ang totoong sakay

Isang maliit na kamera sa pinto ang nagbibilang ng sumasakay at bumababa, may direksyon, kahit walang internet. Bilang ng tao ang itinatala — hindi mukha, walang imaheng iniimbak.

Kahera sa bintana ng terminal na tumatanggap ng remitans habang may hawak na tablet

Hakbang 03

Awtomatikong tugma kada duty

Tiket kontra kamera kontra cash kontra libro, bawat duty at bawat crew. Kitang-kita kung saan, kailan, at magkano ang kaibahan — habang sariwa pa.

Nasa loob ng sistema

Anim na bahagi, isang talaan

  • Ticketing app

    REG, STD, SRC, PWD, SPC; From at To sa ayos ng ruta; qty stepper. Sa airplane-mode na pagsubok: 50 tiket, zero nawala pagbalik ng signal.

  • AI passenger counting

    Tripwire sa pinto na may direksyon — sakay at baba, hindi basta galaw. 27 sa 27 na crossings sa trap scenarios sa lab — susunod na hakbang: pagsubok sa totoong ruta.

  • Live GPS map

    Bawat yunit sa mapa: ruta, bilis, at huling transaksyon. Hindi na kailangang tumawag para malaman kung nasaan ang biyahe.

  • Z-read at cash count

    Isara ang duty, lalabas ang Z-read. Bilangin ang cash per denominasyon at agad lalabas ang NIT o SHORT — nakapangalan sa crew na may hawak.

  • QR ticket verification

    Pirmado ang QR ng bawat tiket. I-scan ng inspektor sa daan: lalabas kung VALID o TAMPERED, kahit offline ang telepono.

  • Tuwid hanggang libro

    DCR papuntang ledger papuntang payroll. Ang koleksyon ngayong araw ay pumapasok sa aktwal na libro ng kooperatiba — hindi na ine-encode ulit.

Ngayon

Tiket na may pirmadong QR, cash, at ang sariling Maya/GCash terminal ng koop — awtomatikong tutugma ang settlement, walang doble-encode.

Malapit nang dumating

Direktang QR scan-to-pay mula sa telepono ng konduktor — kasalukuyang isinasagawa ang pagpaparehistro bilang QRPh merchant.

Inspektor na may tablet sa harap ng mga dilaw na bus sa loob ng depot

Para kanino

Para sa mga nagpapatakbo ng totoong ruta

  • Mga kooperatiba ng bus at modernong jeep

    Isang ruta o buong prangkisa — kasama ang inyong sariling fare matrix, iniaangkop nang walang pagbabago.

  • Mga operator at may-ari ng yunit

    Makikita ninyo kada araw kung ano ang pumasok sa bawat yunit, hindi kung ano ang naiulat.

  • Mga federasyon

    Isang konsola para sa maraming kooperatiba, magkahiwalay ang datos ng bawat isa.

Paano namin ito ginawa

Tatlong bagay na hindi pwedeng mabali

Offline-first

Walang signal, walang nawawala. Nakatala na ang tiket sa device bago pa lumabas ang resibo, at kusang sumisync pagdating ng linya.

Seguridad

May sariling pirma ang bawat device sa bawat request. Ang paulit-ulit at dobleng padala ay hindi tumatawid — isang tiket, isang tala.

Privacy

Bilang ng tao ang itinatala ng kamera, hindi mukha, at walang imahe ng pasahero na iniimbak — alinsunod sa RA 10173.

Crew na nakikipag-usap sa dispatsyer sa bintana habang nakahilera ang mga bus sa takipsilim

Prepaid. Walang lock-in.

Magpa-demo sa inyong ruta.

Isang yunit, isang ruta, isang linggo. Tingnan ninyo ang sariling numero bago magdesisyon — walang kontratang kailangang pirmahan para makita ito.

sales@alliedtech.solutions Mag-message sa Facebook

Binubuo kasama ang isang bus cooperative sa Quezon City.